Wednesday, March 18, 2009

Ang Mga Ambag ng Kulturang Bakla sa Lipunan Natin

Mga mananaliksik

Dela Pena

Pulido

Tai

Tan

Verzosa



I. PANIMULA
A. INTRODUKSYON
Ang kultura ng mga bakla ay nakakatulong sa ating kasalukuyang lipunan.
B. INTRODUKSIYON SA SULIRANIN
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa kontribusyon ng mga bakla sa ating kasalukuyang lipunan. Tatalakayin sa pananaliksik na ito ang kanilang pagiging malikhain sa iba’t ibang paraan at kung paano sila nakakatulong sa pagambag sa ating lipunan sa kasalukuyang ngayon. Ang nagudyok sa mga manananaliksik na piliin ang paksa na ito ay ang kanilang kuryosidad. Dahil napapansin ng mga mananaliksik na malaki ang impluwensiya ng kulturang homosekswual.


C. REBYU O PAGAARAL

Sa kasalukuyan ay hindi pa nagkakaroon ng isang siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik ukol sa naitutuolong nga mga bakla sa ating lipunan at ang kultural na impluwensya nila. Ang mga mananaliksik ay magsasaad ng isang pag – aaral hindi sa siyentipikong pamamaraan kundi ay sa paraang praktikal. Kung ano man ang kanilang nakikita sa paligid ay ganun din kung papaano nila bibigyan ng isang akademikong pagpapat
unay sa kanilang paksa na pagbibigay kontribusyon ng mga homosekswual sa ating kapaligiran.


D. LAYUNIN

Ang mga mananaliksik ay ninais magsaliksik sa paksa na ito dahil sa mga sumusunod na dahilan:
d.1. Pangkalahatan: 1. Upang makatulong sa mas maluwag na pagtanggap sa mga bakla sa ating lipunan. 2. Upang makahanap pa ng ibang basic na datos para sa bagong paksa. 3. Upang mabura ang ignoransya ng karamihan tungkol sa mga bakla. 4. Upang mapaunti ang negatibong tingin ng ibang tao sa mga bakla. d.2. Tiyak: 1. Upang mapatunayan na ang ibang bakla ay totoong malikhain. 2. Upang mapatunayan na ang ibang aspeto ng uso ay mga bakla ang nagaambag.


B. HALAGA

Sa kasalukuyang panahon, karamihan sa atin ay hindi natatanggap ang mga bakla dahil sa napakaraming rason tulad ng pagiging Katolikong Bansa ng Pilipinas at marami pa. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, sana ay magkaroon ng kaunting pagbabago sa pagtanggap ng mga tao sa mga homosekswual. Nais din ng mga mana
naliksik na patunayan na ang mga bakla ay may positibong naitutulong din sa ating lipunan, upang hindi puro kasamaan lamang ang makita sa kanila. Itong pananaliksik ay gustong tulungan ang mga bakla upang mapakaunti ang diskriminasyon na kanilang nananarasan.


C. KONSEPTWAL NA BALANGKAS



Ang mga homosekswual ay grupo ng mga tao na naiiba sa kanilang kilos, pananalita at galaw. May dalawang uri ng homosekswual ngunit ipopokus natin ang atig paksa sa mga bakla lamang, dahil sila ay naiiba kumpara sa mga ordinaryong tao lamang. Sa kanilang pagiging “iba” ay napapahayag nila ang kanilang sarili sa iba’t-ibang malikhaing pamamaraan na ngayon ay tinuturing na nating “uso” at patuloy na sinusubaybayan ng lipunan sa pamamagitan ng pagkalat ng impormasyon lalong lalo na sa tulong ng media.


G. METODOLOHIYA

Ang pananaliksik ay isasagawa sa pamamagitan ng pagkalap ng datos mula sa intrenet at mga diyaro o pahayagan.

H. SAKLAW O DELIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay sasaklaw lamang sa mga positibong ambag ng mga Pilipinong bakla sa ating lipunan. Ang mga impormasiyon ay makakalap sa internet at mga pahayagan.

I. DALOY NG PAG-AARAL
Sa unang kabanata ay nakasaad ang panukalang pahayag, mga suliranin na dapat talakayin ukol sa mga naiambag ng mga bakla sa ating kasalukuyang lipunan. Nakasaad din dito ang layunin at halaga ng pananaliksik. Sa ikalwang kabanata naman ay ang introduksyon ng paksa. At saikatlong kabanata nakapaloob dito ang kritikal na pagsusuri sa pananaliksik, ang konklusyon at ang rekomendasyon.

II.LINALAMAN

A. INTRODUKSYON SA PAG-AARAL
Ayon sa Oxford Dictionary, ang mga homosekswal ay grupo ng mga taong nakadarama ng atraksyon sa kaparehong kasarian at madalas ay napapakita nila ito sa kanilang sariling malikhaing paraan. Mayroong dalawang uri ng homosekswal, ang tomboy at bakla. Ngunit ang pananaliksik na ito ay ukol sa mga bakla at ang kanilang naidudulot sa ating lipunan. Tatalakay sa mga sterio-tipikal na kasabihan na “ang mga homosekswal ay nakakakontribute ng malaki sa pagiging malikhain at fashionista”.

B. PRESENTASYON NG DATOS

Batay sa Wikipedia, Si Jonathan Anthony Lapus

o mas kilala rin sa pangalang John "Sweet" Lapus ipinanganak noong Hulyo 7, 1973 sa Maynila) siya ay isang Pilipinong aktor, host at comedian.


Best Male Stand-Up Comic — Aliw Awards 2006
Best Game Show Host — PMPC Star Awards 2004

Ayon sa Philippine Entertainment Portal, Bilang isang TV host, ipinagmamalaki ni Sweet ang patuloy na pagiging number one ng “Showbiz Central” tuwing lingo. Sa lumipas na sampung buwan ay patuloy na nanalo sa rating ang Showbiz Central, hindi lamang dahil sa mga exlusibong kwento sa showbiz kundi ang inaabangan ng marami na “Don’t Lie to me” segment ni Sweet. Sa pagiging actor naman ni Sweet, napasama siya sa dalawang top-rating primetime drama series. Una ay ang “Ako Si Kimsamsoon” kung saan bida si Regine Velasquez, at ngaun ay mainstay siya sa “Luna Mystika” bilang isang tikbalang bakla na si Karya. Sa pelikula naman ay kasama rin si Sweet sa “2008 Metro Mnila Film Festival” entry ng Regal Entertainment na Shake Rattle and Roll X (“Emergency” episode).
Ayon sa WikiPilipinas, Si Rajo Laurel ay isa sa pinaka nirerespeto na designer sa Pilipinas. Siya ay nasa sampung taon na sa fashion business. Ang kanyang mga kliyente ay ang mga kilalang tao sa buong bansa.. Ang kanyang mga major gala ay ang: Asya, The Leaf, Optical Illusions, Four Seasons Bridal Fair, L'Oreal Trend Show 2003, Tease de Boda and Rajo Red.

· 1993 - introduced to the public by being a finalist in Mega Magazine's First Young Designer Competition and winning 2nd place in the Asean Young Designers' Competition. · 1994 - received the Air France Designer of the Year Award · 1995 - won 3rd place in the Smirnoff Fashion Design Awards · 1996 - voted Most Promising Designer of the Year · 1997 - received a Special Award for his collections in Tokyo, Japan · 1998 - received the distinction of The Loop’s (Editor’s Choice Award) Favorite Designer Kanyang mga pagmamayari · Rajo Laurel Enterprises (RLE) · House of Laurel (HOL) o Rajo o Nine o Rajito · Laurel et Ross (LER)
Ricky Reyes ay maaring makilala sa iba’ ibang paraan. Dahil sa kanyang pagiging malikahain, hindi siya tumigil sa pag-sikat. Sa paglipas ng panahon siya ay naging television host, a businessman, at philanthropist. Siya rin ang nagmamayari ng kilalang salon sa buong Pilipinas, ang Ricky Reyes Salon. Dahil sa kanyang salon, ang hair-styling industriya ng Pilipinas ay tuloy na umuunlad at Nakatanggap rin siya ng mga award sa iba’t ibang kumpetisyon dito at sa ibang bansa. Itinayo rin niya ang “Nationwide Livelihood Program” na tinawag na “Isang Gunting Isang Suklay” na nagtuturo ng paggupit ng buhok sa mga taong walang trabaho. Sa kasalukuyan ay tumutulong din siya sa mga batang may cancer.
Ayon sa Wikipedia, Si Boy Abunda ay isang Pilipinong journalist at personalidad sa telebisyon. Noong namatay ang kanyang ama ay tumigil siyang magaral at sinubukan ang iba’t ibang trabaho. Di naglaan ay nakahanap siya ng trabaho sa Metropolitan Theater bilang assistant stage manager at naging assistant ni Conching Sunico, ang administrator ng Metropolitan Theater na nagturo sakanya ng public relation. Makalipas ang dalawang taon, dahil sa hirap at kasipagan niya, siya ay nagtayo ng sarili niyang PR company na tinawag niyang Backroom Inc. Habang ginagawa niya ang trabaho niyang pag kunsulta sa mga staff ng GMA network, mayroong nagsabi na subukan niya sa telebisyon, at doon nagsimula ang kanyang pagsikat. Gamit ng kanyang husay sa pagsalita at sa PR, madali niyang nakukuha ang atensyon ng mga taong pinapanood ang kanyang palabas. Dahil sa kanyang pag sikat, siya ay may malaking impluwensiya sa fashion ng Pilipinas sa kasalukuyan , isa na dito ang pagsusuot ng makapal na frame na salamin at ang kanyang bagong pabango na “Boy Abunda For All Sexes”.


Si Jobert Sucaldito ay isang manunulat, mananaliksik at isang part time segment host noong 90’s. Bago siya sumama noong 1999 kay Boy Abunda sa The Buzz ng ABS-CBN. Siya ay pumasok din bilang Public Relations ng maraming mangaawit. Tulad ni Boy Abunda, si Jobert Sucaldito ay sumikat sa pamamagitan ng kanyang husay sa pananalita at sa pagsulat.
Ayon sa Wikipilipinas, Si Wenn Deramas ay Pilipinong movie/TV director at manunulat. Siya ay nagtapos sa University of Santo Tomas sa degree na Hotel and Restaurant Management. Habang siya ay nagaaral sa UST, kasama siya sa mga actor sa Teatro Tomasino. Siya ay nagtrabaho bilang waiter sa Aristocrat at napromote bilang Food and Beverages coordinator makalipas ang dalawang taon. Noong 1990, siya ay nagtabaho bilang production assistant sa TV show na “Tatak Pilipino”. Siya rin ay nagtrabaho bilang manunulat sa palabas na Teysi ng Tahanan at na promote bilang executive producer ng Calvento Files. Mula noon ay nagsimula na siyang mag direk ng iba’t ibang soap operas at pelikula.


Director
Mr. Housewife (Maybahay ko) (2007) (in production)
Four in One (2008) (announced)
"Kokey" (2007) (mini) TV Series (announced)
"Love Spell" (1 episode, 2007) - Ellay Enchanted (2007) TV Episode
Cute ng ina mo, Ang (2007)
"Walang kapalit" (2007) TV Series
"Sineserye" (1 episode, 2007) ... aka Sineserye Presents (Philippines: English title: long title) - Palimos ng pag-ibig (2007) TV Episode
"Komiks" (5 episodes, 2006) - Da Adventures of Pedro Penduko (2006) TV Episode - Cleopakwak (2006) TV Episode - Lightning Roda (2006) TV Episode - Si Piolo at si Lorelei (2006) TV Episode - Paa ni Isabella (2006) TV Episode
"Maalaala mo kaya" (1 episode, 2006) - Old Maid (2006) TV Episode
Kapag tumibok ang puso (Not once, but twice) (2006) ... aka Kapag tumibok ang puso (Philippines: Tagalog title: short title)
D'Lucky Ones (2006)
"Kampanerang Kuba" (2005) TV Series ... aka Pablo S. Gomez's Kampanerang Kuba (Philippines: Tagalog title: complete title)
Volta (2004)
"
Marina" (2004) TV Series
"Buttercup" (2003) TV Series

Tanging Ina, Ang (2003)
"Bituin" (2002) TV Series
Kung ikaw ay isang panaginip (2002)
"Sa dulo ng walang hanggan" (2001) TV Series
Mula sa Puso: The Movie (1999)
"Saan ka man naroroon" (1999) TV Series
Dahil mahal na mahal kita (1998)
Maalaala mo kaya (1997)
"
Mula sa Puso" (1997) TV Series Scriptwriter Cute ng ina mo, Ang (2007) (screenplay) Mula sa Puso: The Movie (1999) (screenplay) (story) "Mula sa puso" (1997) TV Series (story and screenplay

III.PANGWAKAS

A. EBALYUWASYON SA NAKALAP NA DATOS

Ayon sa pananaliksik mula sa internet at ibang pahayagan na nakalap ng mga mananaliksik, ay ang mga bakla ay sumasabay sa kompetisyon sa indutriya ng fashion, telebisyon, sa pag gawa ng pelikula, sa mga bagong inobasyon sa ating lipunan tulad na lamang ng pagpapatayo ng mga “comedy bar” na nanggaling sa mga bakla at sila din ang pangunahing taga-pagaliw sa mga manunuod, na ngayon ay usong-uso na. Marami sa pelikulang pinilahan sa takilya ay gawa ng mga kilalang personalida sa ating lipunan, tulad na lamang ni Wenn Deramas at marami pang iba.
Ang mga nakalap na datos ng mga mananaliksik mula sa serbey sa mga “tuwid” ay ang mga sumusunod: 15 sa kanila ay masaya dahil sila ay may kaibigang homosekswal, mas marami ang lengguaheng pagiimluwensiya ng mga homosekswal sa kanila kumpara sa ibang bagay. 13/16 ay sumasangayon na may positibong impact ang mga homosekswal sa ating komunidad.
Pinanapatunayan ng serbey tungkol sa mga homosekswal na mas marami at kalat ang mga bakla kesa sa mga tomboy, lahat sa kanila ay nagsasabi na wala silang ayaw sa kanilang tunay na kasarian na nagging dahilan ng kanilang pagiging homosekswal, 6/7 ang naniniwalang may matutulong sila sa lipunan sa positibong pamamaraan. Sila ay tunay na sumasangayon na ang mga tulad nila ay malikhain at fashionable.

B. KONKLUSYIN

Natuklasan ng mga mananaliksik na totoo nga ang kanilang hinala at mga obserbasyon na tunay na malaki ang naiaambag ng mga bakla sa ating kasalukuyang panahon. Natuklasan din nila na marami sa mga bakla sa ating lipunan lalong-lalo na ang mga baklang kilala na patuloy na nagambag ng malaki sa iba’t ibang uri ng industriya sa ating lipunan. Nagpapakita sila ng fleksibilidad sa pagtatanggap ng mga kritisismo na nagawa parin nilang hindi ikahiya ang kanilang kasarian at ginawa nila itong tapakan upang mas mangibabaw sila kumpara sa mga ordinaryong tao. Hindi ba’t napaka kilala na ang halos lahat ng mga bakla sa ating lipunan dahil sa kanilang pagiging malikhain? Maraming mga kontribusyong ang mga bakla tulad ng sa ating pang araw-araw na bokabularyo, na hindi na natin namamalayan na nagagamit na din natin, tinatawag ito ng marami ng “Gay Linggo” o lengguahe ng mga homosekswal. Ang “Gay Linggo” ay nagpapayaman sa ating wika sa pamamagitan ng paghitam at pagiimbento ng mga malikhaing salita na yunik. Malaki din ang kanilang natutulong sa ating lipunan, nagbibigay sila ng kasiyahan sa atin tuwing tayo ay nalulungkot dahil sa galling nilang magpatawa na madalas makita sa comedy bar na dati ay beer house kung saan nag aalis galit/problema ang mga tao. Marami ng mga homosekswal ngayon ay kilala sa takilya dahil sa sariling pagsusumisikap, Gaya na lamang nila Allan K, Ricky Reyes at Joel Lamangan. Naging sikat sila dahil sa kanilang sipag, tiyaga at malikhaing galing. Nakapagpatayo na sila ng kanilang- kanilang negosyo na nakakaimpluwensya sa pagiisip ng mga tao sa ating lipunan tulad na lamang ng sariling comedy bar ni Allan K na ngayon ay tumatayong sunod sa uso at nagbibigay kasiyahan. Kilala ang mga homosekswal sa galing nitong tumaligsa sa mga bagay sa paligid nito kaya naman kadalasan ay sila ang kinukuhang mga hurado tuwing may nagaganap na fashion show o mga contest. Meron na ding homosekswal na sumikat dahil sa magaling siyang kritiko, gaya ni Boy Abunda at Jobert Sucaldito. Maaari silang maging modelo sa ibang tao dahil kung kaya nilang gawin ang mga ito, bakit hindi gawin ng mga karaniwang tao. Kaya hindi natin pwedeng sabihin na sila ay pabigat lamang sa ating lipunan dahil sa totoo ay marami din silang nagagawang mabuti na nakakatulong ng malaki.


C. REKOMENDASYON

Kung kaya lang natin magisip, tulad ng mabubuti at malilikhaing pagiisip ng mga bakla, ay maaring gumaan ang buhay ng bawat isa sa atin. Kung tutularan lang ng mga tao ang mabubuting katangian ng mga bakla ay gagaan ang buhay ng bawat isa.

Itong pananaliksik na ito ay nagpapalaganap o nagpapakita ng indibidualismo ng homosekswal lalong-lalo ng mga bakla at ng kanilang mga orihinal na paraan na tumutulong sa ating lipunan. Ang pananaliksik na ito ay nagrerekomenda sa mga traditionalista at sa mga konserbatibo. Nais nitong palaganapin ang pagiging bukas sa isip ng bawat mamamayan sa ating lipunan ukol sa pagtanggap sa sekswalidad ng mga bakla at upang mabigayang pugay ang mga bakla sa positibong paraan dahil sila ay hindi naman iba, kanin ang kanilang kinanakain tulad mo, parehas ang hinihinga mong amoy tulad nila, ang tinatapakan mong lupa ay kaparehas lang ng sakanila. Kaya hindi sila nararapat na bigyang diskriminasyon kundi ay tanggapin ng maluwag at puriin sa kanilang pagiging iba. Nais ng mga mananaliksik na bigyang pansin ng ibang tao ang kulturang homosekswal at malinawan sila na ang progreso ng kulturang bakla ay nakakatulong sa ating lipunan hindi lamang sa maliit na pamaraan kundi ay malaking pag-aambag nila. Iminumungkahi ng mga mananalisikik sa mga kapwa tagapagsaliksik na nagnanais piliin ang paksang ito na mas palawakin pa ang kanilang pag sasaliksik upang matulungan ang ating lipunan na tuluyan ng tanggapin ang kultura at komunidad na kinabibilangan ng bakla. Ninirekomenda na ipakita at ipaalam sa mga tao na madami pang pwedeng iambag ang mga bakla sa ating lipunan at saliksikin ang mga iba pang impluwensiya ng mga homosekwal sa mga sususnod pang panahon.

Acknowledgement

Ang mga mananaliksik ay nais magpasalamat sa mga sumusunod:

Bb. Beverly Siy, sa walang pagod na pag gabay sa kanyang mga estudyante.


1kam, sa walang sawang pagtulong at pagbibigay ligaya.


www.wikipedia.com, www.wikipilipinas.com, Philippine Entertainment Portal, sa pag bibigay ng impormasyon at larawan ukol sa paksa.


Microsoft Office Powerpoint sa pageenhance ng mga larawan na ginamit.


www.blogspot.com na naghatid ng paksang ito sa inyo at sa marami pang iba at lalong lalo na sa iyo, sa pag bisita sa website na ito

No comments:

Post a Comment